Tuesday, March 07, 2006

History is repeating itself. I think.

"Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha't may pakitang giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na lihim
siyang isaisip na kakabakahin"

May mga tao na dati ay hindi ka pinapansin, na parang ika'y wala sa mundo, hindi nabubuhay. Tapos ikaw ay nakakamit ng gantimpala, halimbawa ay nanalo sa LOTTO, o kaya'y naging isang sikat na artista, o kaya'y kaibigan ka ng isang kilalang tao at gusto nya itong maging kaibigan din ay bigla ka na lamang kakaibiganin, laging bida at binibigyan ng mga bagay na di mo inaasahang bibigyan ka. Dito ay kabahan ka dhl hindi ito tunay na kaibigan. Noong ika'y gipit wala sya, ngayung ika'y umangat ay nilalapitan ka. May kailangan lamang sya sau, kapangyarihan at katanyagan. Tulad na lamang ng isang TAONG kilala ako na inaanak nya ang anak ng naging kaibigan nya na talaga isang tanyag at matalinong tao na pinagkakatiwalaan ng ating magaling na presidente, nang nagkaroon ng away ang pangulo at ang kaibigan nya, ay tinalikuran nya ito at hindi na pinapansin pa AT SUMIPSIP pa sa pangulo.

Ganyan naman ang tao ngayun ehhh... db? Minsan ang tanging maasahan mo pa ang lilimot sau. Buti na lamang at nandyan ang diyos. Mga KURAKOT pa at mga SAKIM pa ang umaasenso ang buhay at naghihirap ang mga inosenteng mamamayan at NANANAHIMIK nalamang na tao. At kung sino pa ang NAGING BAYOLENTE at gumawa gawa ng GULO ay siya pa ang nabigyan ng maayos na turnover samantalang ang nanahimik na tatay ko ay BIGLA nalamang tinangal ng wala manlang maayos na pamamaalam sa kanyang mga tapat na tauhan na tinupad ang utos ng kanilang kakaalis lamang na commander(ang aking pinakamamahal na ama) na wag makikisama sa gulo.

No comments: